Target ng pamahalaan na makamit ang “zero casualty” sa pananalasa ng Super Bagyong Pepito.
Ito ang tinuran ni Office of Civil Defense (OCD) Chairperson at Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. kasunod ng matinding pinsala na idinulot ng super bagyo, partikular na sa lalawigan ng Catanduanes gayundin sa hilagang Luzon.
Binigyang-diin naman ni OCD Executive Director, Undersecretary Ariel Nepomuceno ang kahalagahan ng preemptive evacuation na ipinatupad ng mga lokal na pamahalaan upang matamo ang kanilang target.
Ayon kay Nepomuceno, dahil aniya sa “coordinated efforts” katuwang ang mga LGU ay umabot sa 1.24 million na indibidwal ang tagumpay na nailikas.
Kasama rito ang mga apektadong residente sa ga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, at Eastern Visayas.
Dagdag pa ni Nepomuceno, nakipagtulungan din naman ang mga residente kaya naiwasan ang mga posibleng kapahamakan.
Sa ngayon, matapos ang evacuation, pagpapaabot naman ng tulong ang pagtutuunang pansin ng OCD kasama ang mga LGU. | ulat ni Jaymark Dagala