Kahandaan at kakayahan ng workforce ng Pilipinas na makatugon sa demand ng makabagong mundo, sisiguruhin ng Marcos Admin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling ipinangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang commitment ng kaniyang administrasyon sa pagtugon sa skills gap ng labor force ng Pilipinas, gayundin ang pagsisiguro na makasasabay at handa sa mga pagbabago sa hinaharap ang workforce ng bansa.

Sa ceremonial signing ng Enterprise-Based Education and Training (EBET) Framework Act, sa Malacañan Palace ngayong araw (November 7), sinabi ng Pangulo na ang batas na ito ay patatatagin lamang ang pundasyon ng sektor ng pag gawa ng Pilipinas kung saan skilled, mabilis, at handang tumugon sa demand ng nagbabagong mundo.

“In signing the EBET Framework Act into law, we lay a stronger foundation for a workforce that is agile, skilled, and ready to meet the demands of a rapidly evolving world,” -Pangulong Marcos Jr.

Sa pamamagitan ng pagbuo ng framework para sa career advancement at industry-relevant skills, layon ng batas na direktang tugunan ang ilan sa mga usaping paggawa ng bansa.

Kabilang dito ang kawalan ng formal training at skills mismatch, upang masiguro na lahat ng Pilipino ay makakaambag at magbi-benepisyo para sa pag-unlad ng bansa.

“By establishing a framework on career advancement and industry-relevant skills, this law directly addresses the issues on the lack of formal training and skill mismatches, ensuring that every Filipino can contribute and benefit from our nation’s growth,” -Pangulong Marcos.

Ang EBET Framework Act na ito ay dinisensyo upang makapagbigay ng accessible at relevant skill training sa Filipino workers, na susuporta sa kanilang professional development. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us