Nakikiisa ang Kamara sa pakikisimpatya sa mga biktima ng magkakasunod na bagyong dumaan sa bansa.
Ayon kay Deputy Sec. Gen. Sofonias Gabonada, suportado nila sa Kamara ang panawagan ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing simple ang pagdaraos o selebrasyon ng pasko ng mga ahensya ng pamahalaan.
Ito ay sa gitna na rin ng maraming naging biktima ng magkakasunod na bagyong tumama sa Pilipinas, kung saan ang pinakahuli ay ang bagyong #PepitoPH.
Pagbababahagi pa ni Gabonada, nagdesisyon ng ang Kamara na kanselahin ang selebrasyon ng HREP Month at sahalip at ginamit ang pondo para dito sa pagbili ng relief goods na ipinamahagi sa mga lugar na sinalanta ng iba pang bagyo.
Sa panig naman ni Manila Rep. Joel Chua, hinimok niya ang mga kasamahang mambabatas, lalo na ang mga hindi tinamaan ng bagyo, na makiisa sa mga kapwa nila kongresista na sinalanta ng bagyo ang mga distrito.
Giit niya maaari pa rin naman ipagdiwang ang kapaskuhan ng simple.
Huwag din aniya kakalimutan na ang paggunita sa Pasko ay dahil sa kapanganakan ni Hesu Kristo.| ulat ni Kathleen Forbes