Nakikiisa ang Kamara sa paggunita ng National Children’s Month ngayong buwan.
Sa sesyon ngayong Lunes ang mga kabataan na pawang mga anak ng mga kawani ng Kamara ang nanguna sa pag-awit ng Lupang Hinirang gayundin sa doxology.
Ilan rin sa mga kongresista ang nagkaroon ng pribilehiyong talumpati ukol sa iba’t ibang isyung kinakaharap ng mga kabataan sa ngayon.
Isa rito ang online sexual abuse and exploitation.
Dito ibinahagi ni Quezon City Rep. Marivic Co Pilar ang karanasan ng ilang kabataan na biktima ng online sexual abuse. Ang ilan aniya sa mga ito, pinangakuan pa ng pera.
Isang exhibit din ang binuksan na may temang “Champions for Children: The 19th Congress’ Legacy of Protecting and Empowering Children”
Pinangunahan naman ito ni committee on the Welfare of Children chairperson Rep. Angelica Natasha Co.
Aniya paalala ito na ang trabaho ng Kamara ay hindi lang basta responsibilidad ngunit isang panawagan na nagbubuklod sa lahat ng henerasyon, propesyon at komonidad.
“This … is the foundation of the 19th Congress’ legacy for our children – a legacy built on meaningful policies, programs, and actions that directly impact their lives,” sabi ni Co.
Sa hiwalay niyang privilege speech, ibinida naman ni Co ang mga panukalang batas na isinulong at pinagtibay ng Kongreso para sa kanilang kapakanan at karapatan.
Ilan sa mga ito ang Adolescent Pregnancy Prevention Bill, Positive Parenting Bill, The Magna Carta of Children Bill pagpapalakas sa Strengthening Civil Registration and Vital Statistics System.| ulat ni Kathleen Forbes