Ipinarating ni Speaker Marin Romualdez sa mga pamilyang nawalan ng kaanak dahil sa bagyong Kristine na kaisa ang buong Kongreso sa kanilang pagdadalamhati.
Ito ay bilang paggunita na rin sa National Day of Mourning salig sa Proclamation No. 728 ng Pang. Ferdinand R. Marcos Jr.
Giit ng lider ng Kamara, dama ng buong bansa ang pighati ng mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa pananalasa ng bagyo.
“More than one hundred of our fellow Filipinos—mothers, fathers, children, friends, neighbors—are no longer with us. They leave behind loved ones who carry the heavy burden of loss, and entire communities touched by sorrow. To each family mourning the loss of a loved one, we stand beside you, sharing in your pain. Your heartbreak is felt by the entire nation, and today, in this national moment of remembrance, you are not alone.” sabi ni Speaker Romualdez.
Panawagan naman ni Speaker Romualdez na magsilbi ang araw na ito na ipamalas ang katatagan, pagkakaisa at pagtutulungan para sa bawat komonidad na nagsisimula pa lang bumangon mula sa kalamidad.
“This day of mourning calls us to compassion and solidarity. As we remember those lost, we extend our deepest sympathies to every family affected, to every community struggling to recover. Let this be a day when we, as Filipinos, reaffirm our spirit of resilience and togetherness, a time when we find strength in unity and a helping hand in every corner of our country.” dagdag ni Speaker Romualdez.
Kinilala din ng House Speaker ang walang kapagurang pagtugon ng mga responders, relief workers at volunteers upang maihatid ang mga kinakailangang tulong sa mga nangangailangan at ipadama ang pagkalingan ng pamahalaan.
“We also recognize and honor the selfless efforts of our responders, relief workers, and countless volunteers who have come forward to aid their fellow Filipinos. Your bravery and tireless dedication in the face of such hardship bring comfort to many. Your efforts represent the true Filipino spirit of “bayanihan”—showing us that even in our darkest hours, there is always someone ready to lend support, ready to lift another up.” saad pa ng Leyte 1st district representative.
Kasabay nito ay dalangin din ni Speaker Romualdez ang katahimikan ng mga kaluluwa ng nasawi sa bagyo at ang tuluyang pagbangon ng mga nasalanta.
“May the souls of those who perished rest in peace, and may we, as one Filipino family, find strength in each other as we move forward. Together, let us remember, let us grieve, and let us help one another rise from this tragedy with renewed hope and unity.” sabi pa niya. | ulat ni Kathleen Forbes