Nakabalik na sa bansa kagabi ang isang overseas Filipino worker na nakaranas umano ng sexual abuse sa Saudi Arabia.
Sa ulat ni Migrant Worker Secretary Hans Leo Cacdac, kapatid ni Mary Jane Veloso ang OFW na sinalubong sa paliparan ng mga kawani ng DMW.
Kagaya ng ibang OFW na umuwi sa bansa, pinagkalooban siya ng iba’t ibang tulong mula sa pamahalaan kabilang na ang financial assistance.
Ang sitwasyon ni Veloso ay ipinarating sa DMW nang bisitahin ni Cacdac ang pamilya nito kamakailan.
Bukod sa tulong pinansyal, nangako ng iba’t ibang tulong ang ahensya sa pamilya Veloso kabilang na ang psychosocial counseling mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at skills training mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). | ulat ni Rey Ferrer