Karagdagan pang 260 Kadiwa outlets, asahan sa 2025 — DA Sec. Tiu-Laurel Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pursigido ang Department of Agriculture (DA) na mapalawak ang mga Kadiwa Stores sa bansa na nag-aalok ng mura at dekalidad na agricultural products sa publiko.

Sa pagbubukas ng kauna-unahang Kadiwa ng Pangulo (KNP) Expo, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr. na target pa ng kagawaran na makapagpatayo ng 260 Kadiwa outlets sa ikalawang quarter ng 2025.

Nakahanay pa rin ito sa target na 1,500 Kadiwa stores sa buong bansa sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 2028.

Kaugnay nito, muling ipinunto ng kalihim ang mithiin ng Pangulo na walang magugutom sa bagong Pilipinas sa tulong ng Kadiwa ng Pangulo.

Umaasa rin ito na sa tulong ng Expo, mas marami pang makiisa sa programa at tuloy-tuloy na mapalawak ito para sa pagpapaigting ng food security sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us