Inihayag ni US Defense Secretary Lloyd Austin III na magbibigay ang Estados Unidos ng karagdagang T-12 unmanned surface vessels sa Pilipinas.
Ginawa ni Austin ang anunsyo sa kanyang pagbisita sa headquarters ng Armed Forces of the Philippines-Western Command (AFP-Wescom) sa Puerto Princesa, Palawan ngayong araw.
Ayon kay Austin, nasaksihan niya mismo ang paggamit ng Philippine Navy sa T-12 unmanned surface vessel. Aniya, asahan na mas marami pang ganitong uri ng vessel ang maipapaabot sa mga susunod na araw.
Ang naturang US asset ay ipinakaloob sa pamamagitan ng US Foreign Military Financing initiative.
Binigyang-diin ni Austin na ang mga kagamitang pandagat na ito ay makatutulong sa Pilipinas na protektahan ang karapatan at soberanya nito sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) sa West Philippine Sea.| ulat ni Diane Lear