Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Children’s Day na may temang “Break the prevalence, end the violence, protekting children, creating a safe Philippines, nanawagan si House Speaker Martin Romualdez sa agarang pagpasa ng House Bill No. 10159 o ang Magna Carta for Children.
Bilang pangunahing may akda ng panukala, binigyan diin ni Speaker Romualdez ang kahalagahan ng nasabing panukala sa pagtugon sa karahasan at kapabayaan sa mga bata, gayundin ang pagbibigay ng ligtas na kapaligiran para sa kabataang Pilipino.
Anya, nanatiling hamon ang realidad ng karahasan sa milyon milyong kabataang.
Ang panukalang batas na inaprubahan ng House Committee on Welfare of Children ay kasalukuyang nasa ikalawang pagbasa.
Layon ng Magna Carta na magtatag ng komprehensibing panuntunan para proteksyunan at ang karapatan ng mga bata, saklaw nito ang mga prinsipyo tulad ng non-discrimination, survival, development, at child participation na naayon sa United Nations Convention on the Rights of the Child (UNCRC).
Pinapalakas ng panukala ang umiiral na hakbangin sa proteksyon ng mga bata, tinugunan ang mga kakulangan at sinisigurong walang batang mapag-iiwanan. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes