Kaso laban kay dating PCSO General Manager Royina Garma kaugnay ng Barayuga murder, isasampa ng PNP bago matapos ang linggo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinukumpleto na lamang ng Philippine National Police (PNP) ang mga kinakailangang dokumento para tuluyan nang maisampa sa korte ang kaso laban kay dating Philippine Charity Sweepstakes (PCSO) General Manager Royina Garma.

Ito’y may kaugnayan sa nangyaring pagpatay kay dating PCSO Board Secretary at retired General Wesley Barayuga at driver nito noong 2020.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Brig. Gen. Jean Fajardo, inaasahang maisasampa na nila ang kaso bago matapos ang linggong ito.

Bukod kay Garma, sabit din sa kaso si dating NAPOLCOM Commissioner Edilberto Leonardo.

Nilinaw naman ni Fajardo na walang Hold Departure Order na inilabas laban kay Garma dahil hindi pa naisasampa ang kaso laban dito na nag-ugat sa mga naging pagbubunyag sa pagdinig ng Kamara. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us