Komprehensibong tulong sa mga magsasaka matapos ang nagdaang mga bagyo, isinusulong

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinanawagan ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang komprehensibong tulong para sa mga magsasaka kasunod ng naranasang epekto ng magkasunod na pagdaan ng bagyong Kristine at Leon.

Ayon kay Go, nararapat lang dagdagan ang tulong ng pamahalaan para sa mga magsasaka lalo nat mahirap ang pinagdadaanan nila ngayon.

Kabilang sa isinusulong ng senador, ang pagkakaroon ng full crop insurance coverage para sa agrarian reform beneficiaries para mabigyan sila ng kompensasyon sa pagkalugi.

Iminumungkahi rin ng mambabatas, na palawakin ang coverage ng Philippine Crop Insurance Corporation para maisama ang non-crop agricultural assets kasama ang livestock at fisheries.

Giniit din ni Go ang kahalagahan ng mas accessible at simplified credit facilities, para protektahan ang mga magsasaka sa mga mapang-abusong lending practices.

Dinagdag rin ng senador ang pangangailangang isulong ang education at training programs sa mga magsaka at kanilang mga anak. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us