Pinangunahan ng PhilHealth Local Health Insurance Office Tawi-Tawi sa pamumuno ni Jonaper Kalbit ang matagumpay na tatlong araw na Konsulta Service Delivery Caravan, na ginanap sa Bayan ng Bongao Tawi-Tawi.
Ayon kay Abigail P. Gabir ng Philhealth LHIO ng lalawigan, ito ay isang hakbang upang mapalawak ang impormasyon tungkol sa expanded out patient benefit ng mga miyembro.
Bagamat target ng caravan ang 100 per day na pasyente ay higit lamang 200 ang dumulog at nagpakonsulta.
Aniya, ito ay nagpapatunay na kailangan ng tuloy-tuloy na impormasyon at kampanya hinggil sa naturang serbisyo.
Ipinahayag naman ni Jonaper Kalbit, Chief ng PhilHealth LHIO Tawi-Tawi, na matapos ang nasbing caravan ay pwede silang magpakonsulta sa RHU Bongao, dahil sa kasalukuyan ay ito ang Konsulta Service provider sa nasabing bayan.
Samantala nagpasalamat ang isang senior citizen na naka avail ng nasabing serbisyo dahil ito ay tinuturing na malaking tulong medikal sa mga mamamayan ng Bongao. | ulat ni Laila Sharee Nami, Radyo Pilipinas Tawi-Tawi