Nanawagan si Laguna Rep. Maria Matibag sa mga mambabatas na gawin ang kanilang tungkulin na protektahan ang karapatan ng mga kababaihan.
Sa kaniyang privilege speech sa plenaryo, kasabay ng pagdiriwang ngayong buwan ng National Children’s Month, sinabi nito na base sa datos umaabot na 18,700 ang naiulat na paglabag sa children’s right as of October 2024.
Aniya, karamihan sa mga umaabuso sa mga kabataan ang mga taong pinagkakatiwalaan gaya ng mga magulang at kapamilya at kamag-anak na karaniwang nagdadala sa kanila sa kapahamakan.
Aniya, hanggang sa ngayon laganap ang child trafficking sa iba’t ibang paraan gaya ng sexual exploitation at force labor.
Ayon pa sa mambabatas, kelangan nag awing agaran ang pag aksyon ng mga miembro ng kamara upang protektahan ang mga kabataan laban sa mga banta sa loob at labas ng bansa. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes