Nagpahayag ng pakikiisa at suporta ang League of Cities of the Philippines kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at sa buong First Family kasunod ng naging pagbabanta ni Vice President Sara Duterte laban sa Punong Ehekutibo.
Ayon sa LCP, kinukondena nila ang anumang pagbabanta na maaaring ikapahamak hindi lang ng Pangulo, Unang Pamilya, kundi maging ng katatagan ng gobyerno.
Tinawag din nilang iresponsable ang naging pahayag ng Pangalawang Pangulo at isang mabigat na banta sa demokrasya ng bansa.
Kasunod nito, nanawagan ang 149 na kasapi ng League of Cities of the Philippines na itigil na ang lahat ng mapanirang pahayag at panatilihin ang mataas na antas ng propesyonalismo, integridad, at respeto, lalo na sa mga opisyal ng gobyerno.
Giit ng LCP, hindi nito papahintulot ang anumang aksyon na magdudulot ng pagkakawatak-watak, at makakagulo sa serbisyong publiko.
Nananalangin din ito para sa kaligtasan at proteksyon ng bawat opisyal ng pamahalaan. | ulat ni Merry Ann Bastasa