Libreng bakuna para sa mga senior citizen, itinutulak sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihain sa Kamara ang panukala na gawing libre ang lahat ng bakuna para sa mga senior citizen.

Titiyakin sa ilalim ng House Bill 11055 o Safeguarding Seniors: Free Immunization Act of 2024 na may sapat na proteksyon ang mga nakatatanda sa mga sakit na kayang labanan ng bakuna para na rin sa kanilang kalusugan.

Aamyendahan nito ang Expanded Senior Citizens Act of 2010 kung saan hindi na lang indigent, ngunit lahat ng senior citizen ang maaaring makakuha ng free vaccination.

Pinasasama na rin sa libreng bakuna ang vaccine kontra influenza virus, pneumococcal disease, pertussis (whooping cough), tetanus at diphtheria, at iba pang sakit na tutukuyin ng Department of Health (DOH) na mahalagang maprotektahan ang mga senior citizen. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us