LTFRB Chair Guadiz, dumalo sa Transport Summit sa Iloilo City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagtipon sa isinagawang transport summit ang mga kasapi ng transport cooperative at corporation sa buong Western Visayas, na inorganisa ng Western Visayas Alliance of Transport Cooperative and Corporation Incorporated.

Mismong si Land Transportation Franchising And Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Teofilo Guadiz III ang pangunahing panauhin pandangal sa okasyon.

Sa kanyang mensahe inihayag nito ang buong suporta ng ahensya sa adhikain ng transport groups lalo na sa PUV Modernization program.

Inanunsyo din ni Guadiz ang pagpapalawak ng programa ng LTFRB sa pagbibigay ng dagdag na pondo sa equity o subsidya sa mga pumasok sa PTMP program, pagbabalik ng fuel subsidy, service contracting at iba pa.

Pinuri naman ni Chair Guadiz ang tagumpay ng lokal na pamahalaan ng Iloilo City, bilang unang LGU na nagpatupad ng LPTRP sa bansa. | ulat ni Jenel Baclay, Radyo Pilipinas Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us