Tumatanggap na ng aplikasyon para sa Special Permits ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa Public Utility Buses (PUBs)na bibiyahe ngayong panahon ng kapaskuhan at Bagong Taon.
Sa abiso ng LTFRB, maaari nang magsumite ng aplikasyon ang mga PUV operator simula sa Nobyembre 18 hanggang Nobyembre 29, 2024.
Magkakabisa ang Special Permit sa Disyembre 23, 2024 hanggang Enero 3, 2025.
Paalala ng LTFRB na 30% lamang ng kabuuang awtorisadong unit ng operator bawat awtorisadong ruta ang papayagan.
Hindi rin dapat lumampas sa labing-apat (14) taong gulang mula sa petsa ng paggawa ang mga unit na hinihingan ng special permit.
At kailangan tukuyin din ng mga operator ang mga partikular na address ng mga terminal sa magkabilang dulo ng inilapat na ruta.| ulat ni Rey Ferrer