Iniimbestigahan na ng Land Transportation Office (LTO) ang kaso ng viral video ng sports utility vehicle (SUV) na may plate number 7 na pumasok sa EDSA Busway.
Sa kanilang pahayag, malinaw na may nagawang paglabag ang driver ng SUV.
Sa inisyal na imbestigasyon, walang protocol plakang inisyu sa partikular sa SUV na nakita sa viral video.
Nakikipag-ugnayan na ang LTO sa DOTR-SAICT para makakuha pa ng impormasyon tungkol sa puting SUV at makilala ang registered owner nito.
Tiniyak din nito na mag-iisyu ng show cause order sa may-ari at driver ng sasakyan para magpaliwanag sa insidente.
Makikipag-ugnayan din ang ahensya sa tanggapan ng Senate president para sa kaukulan pang imbestigasyon.
Sinisiguro ng LTO na hindi nito kukunsintihin ang sinumang motorista na lumalabag sa batas at sa umiiral na alituntunin at regulasyon sa kaligtasan sa kalsada. | ulat ni Rey Ferrer