LTO, sinuspinde na ang driver’s license ng Koreanong nag-amok sa Clark

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinuspinde na ng 90-araw  ng Land Transportation Office (LTO) ang driver’s license ng isang Koreano na nagwala sa Clark Freeport Zone, kamakailan.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Vigor D. Mendoza II, nag isyu na rin ng Show Cause Order ang LTO para pagpaliwanagin ang Koreano.

Binigyan lamang siya ng tatlong araw para sumipot sa LTO Pampanga Regional Office at magsumite ng kanyang paliwanag.

Ayon sa ulat, nasagasaan ng Koreano ang motorsiklo ng isang security guard ng Clark Freeport Zone.

Kalaunan ay sadya namang binangga ang gas pump ng kalapit na gasoline station na dahilan ng pagsiklab ng apoy.

Sabi pa ni Mendoza, sa sandaling hindi sumipot sa pagdinig ang Koreano ay pagpapasiyahan ng LTO ang kaso batay sa hawak na mga ebidensiya. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us