Ginawaran ng Certificate of Recognition of Ancestral Domain Claim ang lupaing ninuno ng mga katutubong Dumagat/Remontado sa Montalban, Rizal, mula sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Calabarzon.
Ayon sa pabatid ng Tanggapan, iginawad ang naturang sertipiko kasabay ng selebrasyon ng National Indigenous Peoples Thanksgiving Day at anibersaryo ng Indigenous Peoples Rights Act (IPRA) kamakailan.
Kinikilala ng katibayan ang mahigit 19,000 ektaryang lupain sa Montalban bilang ancestral domain ng mga katutubong Dumagat/Remontado.
Ang okasyon, na ginanap sa Tribal Hall, Sitio Mabolo, Barangay Puray, ay pinangunahan ni Atty. Josefina Agusti ng NCIP IV-A.
Bukod sa paggawad ng naturang sertipiko, tampok din sa pagdiriwang ang kasalan ng mahigit tatlumpung magkasintahang Dumagat/Remontado sa tulong ng lokal na tanggapan ng civil registration. | ulat ni Mara Grezula | RP1 Lucena