Maagap na pagpapadala ng tulong sa mga sinalanta ng bagyong Pepito, patunay na di nagpapabaya ang administrasyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang-diing ni Zambales Representative Jay Khonghun ang kahalagahan ng maagap na pagtugon ng pamahalaan sa pangangailangan ng mga sinalanta ng bagyong Pepito.

Aniya, ang mabilis na pagpapaabot ng tulong ng gobyerno ay nagpapakita na hindi nagpapabaya ang pamahalaan.

“Nakakalungkot nga na sunod-sunod iyung naging bagyo na sumalanta dito sa ating bansa. Pero hindi naman po nagpapabaya ang ating administration. Talagang ginagawa ng ating Presidente sa tulong ng ating House Speaker ang lahat ng kanilang magagawa para tulungan yung mga nasalanta, lalong-lalo na sa Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, ngayon nga itong sa Catanduanes,” sabi ni Khonghun sa pulong-balitaan.

Lunes nang lumarga pa Bicol ang trak-trak ng relief goods, damit, bigas, at iba pang tulong mula sa ikinasang donation drive ng Kamara.

“Alinsunod ito sa utos ng ating Pangulo sa pamamagitan ni Speaker Martin Romualdez na kailangan tulungan, wag papabayaan ang mamamayan, lalong-lalo na yung nasalanta ng bagyo sa Kabikulan. It is our way of showing na the administration of President BBM ay hindi nagpapabaya at talagang tumutulong sa ating mamamayan,” dagdag niya.

Sinabi naman ni House Deputy Majority Leader for Communications Erwin Tulfo na hinihintay lang ng House leadership ang dagdag na impormasyon kaugnay sa mga naapektuhang lugar ng bagyo dahil magpapalabas pa aniya ng karagdagang tulong para sa kanila.

“I believe, inaantay lang ni Speaker ang mga report ng mga district representatives natin kung anong kailangan nilang support at tulong magpapalabas muli ng pondo ito si House Speaker…so kino-collate lang lalo na sa Bicpl, ilang district yan diyan, inaantay lang para makapag release na naman ang pondo, tulad ng mga assistance for individuals in crisis and at the same time, yung TUPAD ng Department of Labor [and Employment].” | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us