Simula kaninang alas-6 ng umaga ay muli nang binawasan ng National Irrigation Administration (NIA) ang volume ng pinakakawalang tubig sa Magat Dam.
Sa inilabas na abiso ng NIA-MARIIS, apat na gate pa rin ang nakabukas sa dam ngunit mula sa walong metro ay ginawa na lang pitong metro ang opening sa radial gates nito.
Nagpapakawala ang mga ito ng 1,490 cubic meter per second na dami ng tubig.
Batay sa datos mula sa NIA, as of 6am ay naitala sa 191.32 meters ang antas ng tubig ng Magat dam na malapit lapit sa 193-meter spilling level nito. | ulat ni Merry Ann Bastasa