Patuloy na naka-alalay ang Philippine Red Cross (PRC) sa mga magsisitungo sa mga sementeryo para gunitain ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay ngayong UNDAS.
Batay sa datos ng PRC, nakapagsilbi na sila ng 1,390 indibiduwal na kinailangang bigyan ng first aid.
Nasa 1,018 dito ang kinuhanan ng blood pressure, 39 ang nakaranas ng minor cases gaya ng laceration, abrasion, bruise, 1st degree burn, hyperventilation, heat exhaustion, skin irritation, elavated BP at sprain.
Apat naman ang nakaranas ng major cases gaya ng nausea/vomitting, difficulty of breathing, pain at pamamaga ng noo.
Isa ang kiailangang dalhin sa ospital habang isa din ang binigyan ng Psychosocial first aid.
Sa kasalukuyan, mayroong 320 first aid station na inilagay ang Red Cross, 159 welfare desk, 60 ambulansiya habang may 2,397 volunteer first aider, 104 foot patrol at 57 mobile units ang ipinakalat sa iba’t ibang sementeryo.
Bukod sa mga sementeryo, may mga nakapuwesto ring help desk ng Red Cross sa mga paliparan, bus terminal, beach, simbahan, event place, gas station, highways, malls at pantalan. | ulat ni Jaymark Dagala