Mahigit 61 pamilya, lumikas sa NwSSU evacuation center dahil sa Bagyong Pepito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsisilbing ligtas na kanlungan para sa mga lumikas dulot ng Bagyong Pepito ang Socio-Cultural Center ng Northwest Samar State University (NwSSU) sa Calbayog City.

Ayon kay Eugence C. Calumba, University Disaster Risk Reduction and Management Officer, tumanggap ang unibersidad, na nagsisilbing evacuation center, ng mga apektadong personnel ng unibersidad, estudyanteng hindi nakauwi sa kani-kanilang mga bayan, at mga pamilyang mula sa Barangay Carayman, Rawis, Capoocan, West Awang, at Obrero.

Kahapon, Nobyembre 15, mayroong naitalang 19 na mga pamilyang nanunuluyan sa evacuation center.

Nadagdagan ito ngayong araw ng Sabado ng 42 mga pamilyang nagsilikas din sa evacuation center.

Sa kabuuan, mahigit 61 pamilya, na may bilang ng miyembro sa bawat pamilya mula 3 hanggang 8 miyembro ang sumisilong ngayon sa NwSSU.

Nagbibigay ang City Social Welfare and Development (CSWD) ng pagkain para sa mga evacuees.

Bukod dito, ang NwSSU ay nagtalaga ng response team na binubuo ng mga medical personnel, security staff, rescuer, at first-aid provider.

Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng unibersidad sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) upang matiyak ang mabilis na pagtugon sa anumang emergency.

Gayunpaman, dahil sa puno na ang evacuation center, kaya ang ibang mga pamilya magsisidatingan ay posibleng i-refer na sa ibang evacuation centers.

Bagama’t handa ang NwSSU na tumanggap ng karagdagang evacuees, limitado ang kapasidad ng kanilang pasilidad. Dahil dito, handa silang tumanggap ng karagdagang tulong upang masuportahan ang mga apektado.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us