Nakatakdang kumuha ang Japan ng aabot sa 820,000 manggagawang Pilipino sa susunod na limang taon.
Ito ang inanunsyo ng Department of Migrant Workers (DMW) kaalinsabay ng isinagawang Overseas Labor Market Forum kahapon.
Ayon kay Migrant Workers Undersecretary Patricia Yvonne Caunan, kabilang sa mga hinahanap ng Japan ay pawang mga Taxi driver bilang bahagi ng kanilang pagpapakalas sa sektor ng transportasyon.
Ang mga makukuhang manggagawa sa Japan ay sasailalim sa pagsasanay ng wikang Nihongo sa ilalim ng Language Profeciency Training.
Bukod sa Japan, nakatakda ring mag-deploy ang Pilipinas ng karagdagang manggagawa sa Slovenia, gayundin sa Finland, at walang kailangang bayarang placement fee.
Gayunman, nilinaw ni Caunan na hindi dapat balikatin ng nagnanais mamasukan sa Japan ang gastusin sa language proficiency training. | ulat ni Jaymark Dagala