Nakiusap si House Majority Leader Mannix Dalipe kay Vice President Sara Duterte na huwag magtago sa likod ng kaniyang mga staff at sa halip, personal nang sagutin ang isyu ng paggamit sa P612.5 million na confidential fund.
“Huwag kang pa-victim. Tama na ang pambubudol. The Vice President should stop using her staff as human shields. It is about time she face Congress, answer the questions and stop blaming others for her failures and fear of accountability,” sabi ni Dalipe.
May naging pahayag kasi ang bise na naaawa siya sa pagkaipit ng kaniyang mga staff sa isyu.
Sabi pa ni Dalipe, hindi rin ito political persecution bagkus ay paghahanap ng katotohanan at pananagutan.
“Seeking the truth is not an attack—it is our responsibility as public officials entrusted with the people’s money,” sabi pa niya.
Maging si Assistant Majority Leader Jil Bongalon, naniniwala na kung haharap lang ang bise sa komite at magpapaliwanag ay mareresolba ang naturang isyu. | ulat ni Kathleen Forbes