Aabot sa 21 rescue boats na ginagamit sa rescue operation ang ipinagkaloob ng isang pribadong sektor sa Malabon City Local Government Unit.
Ayon kay Aaron Sy, nais nilang mapalakas pa ang emergency response ng local government lalo pa at madalas nakakaranas ng mga pagbaha sa lugar, hindi lamang sa panahon ng bagyo.
Handa rin ang kanilang grupo na magbigay ng libreng trainings sa tamang paggamit ng mga bangka sa mga rescue operation.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Malabon City Mayor Jennie Sandoval sa inisyatiba ng pribadong sektor.
Malaki aniya ang maitutulong ng napapanahong donasyon
na magbibigay ng suporta sa mga frontliner sa kanilang mahahalagang misyon.
Bukas din ang grupo ni Sy, na magpadala ng mga nasabing kagamitan sa iba pang lalawigan na nakakaranas ng mga pagbaha dulot ng mga pag ulan. | ulat ni Rey Ferrer