Positibo si Senior Citizen Party-list Representative Rodolfo Ordanes sa malawakang benepisyong dala ng pagiging ganap na batas ng CREATE MORE Law.
Aniya, malaki ang maitutulong ng pagsasaayos ng regime of investment incentives para sa mga kompanya para mapaunlad ang rehiyon ng Mindanao, gayundin ang sektor ng turismo.
Paliwanag ni Ordanes bibigyan kasi ng dagdag na deduction ang mga rehistradong negosyo pagdating sa singil sa kuryente.
Sakop na rin ng additional deduction na 50% para sa reinvestment allowance ang tourism industry at trade exhibits, fairs, at missions.
Kasama na rin ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Muslim Mindanao’s Board of Investments and Economic Zone Authority at ang Bulacan Special Economic Zone Authority sa mga ahensya na maaaring magbigay ng insentibo sa ilalim ng CREATE at CREATE MORE.
Kaya aniya kung titignan sa pangkalahatan ay buong bansa at maraming sektor ang makikinabang sa bagong batas na ito.
“The long-term impact of this new law will benefit the entire country and will be especially felt in Mindanao,” sabi ni Ordanes. | ulat ni Kathleen Jean Forbes