Sinabi ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua na prioridad niya ngayon na tulungan ang kanyang mga kababayan na naging biktima ng malaking sunog sa Sta. Cruz, Manila.
Sa Press Conference sa Kamara, sinabi niya na bago pa man magdesisyon ang Committee on Good Government and Public Acountability na ipagpaliban ang pagdinig ngayong araw upang hindi ito magamit ni Vice President Sara Duterte sa kanyang pagdalo sa tawag ng National Bureau of Investigation, nagaalala na siya sa kanyang distrito na biktima ng sunog na umabot sa ikalimang alarma.
Sa report ng Bureau of Fire Protection, umaabot sa 250 na mga tahanan ang natupok ng apoy at aabot sa 3.75 milyon na halaga ng ari-arian ang nasira.
Tiniyak ni Manila Congressman Joel Chua na makakatanggap ng tulong ang mga nasunugan mula sa kanyang tanggapan. | ulat ni Melany Reyes