Marcos Administration, di tumitigil sa pagpapatupad ng mga hakbang upang makontrol ang inflation sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Puspusan ang trabaho ng Marcos Administration upang makontrol ang presyo ng mga pangunahing pagkain sa bansa, sa gitna ng bahagyang pagbilis ng inflation sa Pilipinas, mula sa 1.9% noong Setyembre, patungong 2.3% nitong Oktubre, 2024.

Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, average ang inflation rate na ito at pasok pa rin sa target range ng pamahalaan na 2-4%.

Aminado ang kalihim na banta sa food supply chain at logistics ang mga magkakasunod na sama ng panahon na tumama sa bansa.  

Gayunpaman, siniguro ng NEDA na hindi tumitigil sa pagkayod ang gobyerno upang masiguro ang food availability at katatagan ng presyo ng mga bilihin sa bansa.

“The government is working relentlessly to keep food available and prices steady, particularly for essential commodities. With targeted support and streamlined food supply chains, we aim to ensure that food is affordable and accessible for Filipino families, especially those most vulnerable to price shocks when disasters hit us,” -Secretary Balisacan. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us