Malaking hakbang para sa pagpapalakas ng proteksyon ng sovereign rights at marine resources sa West Philippine Sea ang paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Maritime Zones Act at Philippine Archipelagic Sea Lanes Law.
Kasabay nito pinasalamatan ni Speaker Martin Romualdez ang hindi natitinag na paninindigan ng Pangulong Marcos Jr. na depensahan ang interes ng bansa sa pinagaagawang katubigan.
“The two laws enhance our efforts to protect our sovereign rights over the West Philippine Sea and to preserve and exploit the resources in these waters for the benefit of our people,” sabi ni Romualdez.
Sa ilalim ng Archipelagic Sea Lanes Law, magtatakda ng sea lanes ng Pilipinas at panuntunan sa pagdaan ng mga dayuhang sasakyang pandagat at panghimpapawid.
Sa pamamagitan naman ng Philippine Maritime Zones Act, itatakda at tutukuyin ang archipelagic boundaries, internal waters, at exclusive economic zones ng Pilipinas.
Paalala ng House Speaker na ang pag protekta sa pinagaagawang katubigan na nakapaloob sa 200-mile special economic zone ng Pilipinas ay hindi lang basta usapin ng pambansang pagkakakilanlan ngunit pang ekonomiya, seguridad sa pagkain at mahalagang legasiya.
Ipinaparating aniyang dalawang batas na ito sa ating mga kaalyado at kapitbahay na disidido tayong protektahan kung ano ang atin.
“These new laws mark a historic moment in our efforts to secure and defend our maritime domain. By establishing clear boundaries and designating specific sea lanes, we strengthen our position under international law, safeguard our natural resources, and enhance our security in the West Philippine Sea and beyond,” diin niya.
Pinagpagtibay din aniya nito ang 2016 Arbitral Award na naipanalo ng Pilipinas na kumikilala sa ating EEZ, salig sa UNCLOS at nagbabasura sa pag angkin ng China sa kalakhan ng South China Sea, kasama na ang West Philippine Sea. | ulat ni Kathleen Forbes