Asahan na ang pagbubukas ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino, na magri-resulta naman sa pagsipa pa ng ekonomiya ng bansa.
Kasunod ito ng paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy o CREATE MORE Act, ngayong araw (November 11).
“CREATE MORE sets the stage for a business landscape that empowers our enterprises and enhances their growth prospects,” —Pangulong Marcos Jr.
Sa ilalim ng batas, bubuo ng mas episyenteng approval process sa pamamagitan ng pagtataas ng investment capital approval threshold para sa Investment Promotion Agencies.
Mula ito sa dating P1 billion patungong P15 billion, kung saan ang mga proyekto lamang na lumagpas sa halagang ito ang kailangang sumailalim sa Fiscal Incentives Review Board.
Pinalawak rin nito ang Enhanced Deductions Regime, na nag-aalok ng tax relief para sa registered business enterprises (RBEs).
Sa ilalim rin ng batas na ito, nilinaw ang patakaran para sa pag-avail ng VAT and duty incentives; Pinalawak rin ang coverage nito, upang mapabilang ang non-registered exporters at high-value domestic marker enterprises.
Ayon kay Pangulong Marcos, sa pagpapatupad ng mga reporma sa ilalim ng batas mas makakahiyakat ang Pilipinas ng mga mamumuhunan na magdadala ng trabaho sa bansa, habang nananatiling matatag ang mga panuntunan nito kaugnay sa usapin ng pananalapi, revenue o kita ng bansa.
“CREATE MORE clarifies the rules of availment of VAT and duty incentives, and further extends its coverage to include non-registered exporters and high-value domestic market enterprises,” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan