Sinabi ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo na malinaw na paglilihis sa atensyon ang ginagawa ni Vice President Sara Duterte sa gitna ng mga ebidensya ng paggasta ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).
Ayon kay Cong. Tulfo, ang mga alegasyon sa paggastos ng pondo ng dalawang ahensya ng gobyerno na hawak ni VP Sara Duterte ay kailangan ng seryoso kasagutan at karapatan aniya ito taumbayan na malaman.
Imbes aniya na sagutin ang mga alegasyon at nag-imbento na lamang ito ng mga akusasyon laban kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at House Speaker Martin Romualdez.
Diin pa ng lawmaker na komited ang Kongreso sa ilalim ng liderato ni Speaker Romualdez pairalin ang transparency at accountability— nakafocus sa pagsisilbi sa taumbayan.| ulat ni Melany V. Reyes