Mga botika sa bansa, hinimok na tiyaking madaling makakabili ng mga gamit na VAT exempted

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinatitiyak ni Senate Committee on Ways and Means Chairperson Senador Sherwin Gatchalian sa mga botika at retailers sa bansa, na madaling makakabili ang mga mamimili ng mga gamot na exempted sa value-added tax (VAT).

Ito ay naaayon aniya sa isinasaad ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises o CREATE Law.

Ang pahayag na ito ng senador ay matapos i-endorso ng Food and Drug Administration (FDA) sa Bureau of Internal revenue (BIR) ang 17 pang ibang gamot na exempted sa 122-percent VAT.

Walo dito ang para sa diabetes, apat para sa cancer at tatlo para sa mental illeness o sakit sa pag iisip. 

Sa ilalim ng panuntunan ng BIR, ang bisa ng pinakabagong VAT exemption ay nagsimula na noong Nobyembre 25. 

Noong nakaraang Agosto lamang, isinama ng BIR sa listahan ang 15 gamot: pito dito ay para sa cancer, lima para sa hypertension, dalawa sa sakit sa pag-iisip, at isa para sa high cholesterol.

Nakakatuwa aniyang marinig na mas marami nang kababayan natin ang makikinabang sa VAT-free provision ng CREATE law.

Binigyang-diin ni Gatchalian, na dahil marami ang mga Pilipino na apektado sa mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin, mahalagang magbigay ng suporta ang pamahalaan para sa mga dumaranas ng mga karaniwang sakit tulad ng diabetes at hypertension. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us