Tuloy tuloy na ang dating ng mga pamilyang bumibisita sa kanilang mga yumaong nakalibing dito sa Himlayang Pilipino sa Pasong Tamo, QC.
Kanya kanyang latag ng tent ang karamihan sa mga pamilya na dito na rin nagrereunion.
Ayon kay Engr. Michael Abiog, Park Operations Manager, inaasahan nitong simula mamayang hapon ay dadagsa pa lalo ang mga bisita sa Himlayang Pilipino lalo na ang mga magpapalipas ng gabi.
Posible nga aniyang pumalo sa 70,000 ang bumisita ngayong undas na mas malaki kumpara sa 50,000 na naitala noong nakaraang taon.
Epektibo pa rin ang 24 oras na operasyon ng Himlayang Pilipino kung saan papayagan ang pag-overnight hanggang bukas, Nov. 2
Nananatiling maayos naman ang sitwasyon sa loob ng sementeryo na may mga nakalatag na ring help desks at first aid stations.
Ipinatutupad na rin ang undas traffic scheme kung saan isa lang ang itinalagang entrance at exit gate sa Hilmlayang Pilipino na ang mga papasok ay sa Pantranco Gate Exit habang sa Barangay Road Gate ang palabas. | ulat ni Merry Ann Bastasa