Mga lokal na pamahalaan, inatasan ng DND na magpatupad ng forced evacuation sa mga lugar na di maaabot ng rescuers bilang paghahanda sa bagyong Marce

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., na siya ring Chairperson ng NDRRMC, ang mga lokal na pamahalaan na magpatupad ng forced evacuation sa mga lugar na mahirap marating ng mga rescuer ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.

Sa pulong balitaan sa NDRRMC kaugnay sa paghahanda sa bagyong Marce, binigyang-diin ni Secretary Teodoro ang kahalagahan ng maagap na pagkilos ng mga lokal na pamahalaan upang mailigtas ang buhay ng kanilang mga nasasakupan, lalo na sa mga liblib na lugar.

Dagdag pa niya, dapat magtayo ang mga lokal na pamahalaan ng mga “centralized point” kung saan maaaring maihatid ang tulong at relief goods.

Nais ni Teodoro na magkaroon ng maayos na pamamahala sa mga evacuation center sa pagtama ng bagyo.

Kaugnay nito, inalerto rin ni Teodoro ang mga Regional Directors ng Office of Civil Defense at inatasan silang tulungan ang mga barangay sa pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa bagyo. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us