Pinag-aaralan ngayon ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila na ipagbawal ang pagre-reserve ng parking spaces sa pamamagitan ng pagtayo.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Chairman Atty. Romando Artes, na may ordinansa na ang Quezon City laban sa pagre-reserve ng parking, at gusto itong tularan ng ibang mga lungsod.
Nais daw iwasan ng MMDA na mauwi sa gulo ang mga insidente ng pagtatalo dahil sa pag-ookupa ng mga tao sa parking spaces para hindi maparadahan ng iba.
Sa isang press conference sa Pasig City, sinabi ni Artes na makikipag-usap sila sa mga may-ari ng mall at parking areas para ipatupad ang resolusyong kanilang gagawin.
Ang mga ordinansa na ipapasa ay inaasahang magiging uniform sa buong Metro Manila. | ulat ni Diane Lear