Mga mamahaling gamot para sa cancer na di sakop ng Cancer Assistance Fund, ipinanawagan ng Batanes solon sa DOH na hanapan agad ng solusyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Batanes Representative Ciriaco Gato Jr. sa Department of Health (DOH) na solusyunan na ang kinakailangang gamot ng mga cancer patient na hindi sakop ng Cancer Assistance Fund.

Ginawa ni Rep. Gato ang pahayag sa ginanap na committee hearing ng North Luzon Growth Quadrangle kasama ang mga opisyales ng DOH.

Ayon kay Gato, bagaman maaring makahingi ng tulong ang mga cancer patient sa Cancer Assistance Fund may mga rare cancer na mahal ang gamot na wala ang Philippine National Formulary (PNF).

Sa ilalim kasi ng Cancer Assistance Fund Program, bibigyan ng financial assistance ang mga cancer patient para sa kanilang treatment basta ito ay dadaan sa PNF.

Ayon naman kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa executive level na ang usapin, at committed aniya ang DOH na maresolba agad ang problema. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us