Umaabot sa 3,000 na mga MSMEs ang nabigyan ng tulong ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Samar sa ilalim ng SIBOL program.
Bawat isang benepisyaryo at nakatanggap ng P5,000 na cash assistance at tig 5 kilogram na bigas.
Patunay ito ng dedikasyon ng gobierno na palakasin ang mga maliliit na negosyante sa bansa.
Sa talumpati ni Speaker Martin Romualdez, sinabi nito na sinusuportahan nila ang mga negosyanteng Pilipino upang maging matatag ang kanilang kabuhayan at makatulong sa pagpapalago ng ekonomiya. | ulat ni Melany Reyes