Mga nagsilikas sa Brgy. Del Monte sa QC, naghahanda nang umuwi

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsimula nang maghakot ng gamit at mag-uwian ang ilan sa mga residente sa Brgy. Del Monte, Quezon City na lumikas noong weekend dahil sa pangamba sa epekto ng Super Bagyong Pepito.

Sa San Francisco Elementary School, pansamantalang nanatili ang nasa 278 na pamilya o higit 1,000 indibidwal bilang pag-iingat sa bagyo.

Ayon kay Nanay Delia, mas kampante sila sa evacuation center kaya hindi na nag-atubili pang lumikas noong weekend.

Laking pasasalamat naman nito na hindi na gaanong naramdaman sa Metro Manila ang hagupit ng bagyong Pepito.

Sinabi rin ng mga tauhan ng barangay na hindi na pahirapan ang pagpapalikas sa mga residente dahil nagkukusa na silang sumama kapag may evacuation.

Ayon naman sa QC Social Services Development Department, bibigyan pa ng pa-almusal ang mga residente bago tuluyang payagang makauwi.

Sa tala ng QC LGU, may mga inilikas ding mga pamilya nitong weekend sa Brgy. Bagong Pag-asa, Project 6, Bagong Silangan, at Apolonio Samson dahil sa Super Bagyong Pepito. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us