Mula Enero hanggang Nobyembre 16 ngayong taon, nakapagtala na ng 6,277 kaso ng dengue sa Lungsod Quezon.
Labing walo (18) sa kabuuang bilang ang nasawi na.
Batay sa tala ng Qeuzon City Epidemiology Disease and Surveillance Division, pinakamaraming bilang ng mga nasawi ay mula sa District 2 na abot sa pito katao.
Tig-dalawa sa Barangay Batasan Hills at Holy Spirit at tig-isa naman sa Barangay Commonwealth, Payatas-A at Payatas-B.
Ayon sa LGU, mas pinasigla pa nila ang kampanya laban sa dengue.
Kahapon nagsagawa ng simultaneous cleanup at information drive. sa lahat ng barangay sa lungsod.
Hinimok ang mga residente na makipagtulungan para tuluyang mapigilan ang pagdami ng dengue.| ulat ni Rey Ferrer