Umaasa ang mga pamilya na biktima ng sunog sa Bagbag Public Cemetery na mabigyan ng malilipatang lugar ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon.
Ayon kay Venderlef Dergam, isa sa mga nasunugan ng bahay, wala silang mapupuntahan sa ngayon kundi bumalik sa dating lugar.
Malaking tulong din aniya sana kung matulungan sila ng LGU para maitayo ang kanilang bahay.
Sa ngayon, pansamantala silang nanunuluyan sa kalapit na covered court sa tabi rin ng sementeryo.
Umaga kahapon nang sumiklab ang sunog sa likod ng sementeryo at 21 bahay ang natupok at 30 pamilya ang naapektuhan.
Nagpaabot naman agad ng tulong ang pamahalaang lungsod tulad ng pagkain at mga gamot. | ulat ni Rey Ferrer