Mahigit 800 pamilya sa Lungsod Maynila ang pinagkalooban na ng Unconditional Cash Assistance ng Department of Human Settlements and Urban Development.
Ang mga pamilya ay nawalan ng mga bahay sa nangyaring sunog sa Barangay 105, Tondo Manila kamakailan.
Ayon kay DHSUD Assistant for Disaster Response Secretary Randy Escolango, ang bigay na tulong ay mula sa Integrated Disaster Shelter Response Program ng DHSUD.
Sa ilalim ng IDSAP, bawat pamilya na may totally damaged houses ay binibigyan ng ahensya ng Php 30,000 habang Php 10,000 naman sa mga bahagyang nasiraan ng bahay. | ulat ni Rey Ferrer