Hiniling ni Ako Bicol party-list Rep. Jil Bongalon na mai-refer sa Philippine Statistics Authority o PSA ang nasa 158 na kahina-hinalang acknowledgement receipts na isinumite ng Office of the Vice President para sa paggamit ng confidential funds.
Ayon kay Bongalon, ito ay para maberipika kung talaga bang totoong tao ang mga pangalan na nakasulat sa AR gaya ng “Mary Grace Piattos.”
Hiling pa ng kongresista na i-refer din sa NBI at PNP ang mga AR upang masuri ang mga handwriting o sulat-kamay at mga pirma.
Sa pagdinig ng House Blue Ribbon Committee nitong Miyerkules lumutang ang pangalang “Kokoy Villamin” na parehas na lumitaw sa AR ng OVP at Deped ngunit magkaiba naman ang pirma. | ulat ni Kathleen Forbes