Umani ng batikos si Makati Mayor Abby Binay mula sa ilang residente ng EMBO barangays.
Ayon kay Mary Grace Garcia, isang residente ng EMBO (Enlisted Men’s Barrio), dismayado ito sa kawalan ng akayon ng alkalde matapos ang desisyon ng korte suprema na sila ay sakop ng Taguig City.
Punto ni Garcia, wala na silang access sa mga health centers na ipinasara ni Binay na lalong nag pahirap sa kanila. Hindi narin aniya balido ang yellow card nila na no’oy nakakakuha sila ng libreng serbisyo medikal.
Ganito rin umano ang hinaing ng isang senior na si Armando Santocildes, aniya kung ang adhikain ay makatulong sa masa, dapat ay hindi ipinasara ang basketball courts at health centers.
Nanawagan din si Santocildes ng pagiging makatao kay Mayor Binay.
Paliwanag ng senior citizen na ang isang makatao ay iniintindi ang taong nangangailangan.
Nanawagan naman si Garcia ng pagtutulungan sa pagitan ni Binay at mga Cayetano ng Taguig at sinabing iwasan na ang awayan at sa halip ay mag suportahan na lang.
Maliban sa mga health centers pinasara rin ng pamahalaang lungsod ng makati ang mga fire stations, day care centers, at covered courts sa EMBO barangays na dahilan ng sama ng loob ng ilang embo residents. | ulat ni Lorenz Tanjoco

