Bilang pag-iingat sa paparating na Bagyong “Pepito,” inabisuhan ang lahat ng marinero at mga naglalayag na sasakyang pandagat na suspendido ang biyahe sa mga ruta sa loob ng hurisdiksyon ng Albay, Camarines Sur, Sorsogon, Camarines Norte, at Catanduanes. Epektibo ito simula alas-6 ng umaga ngayong November 15, 2024, matapos itaas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 para sa nasabing mga lugar.
Pinapayuhan din ang lahat ng mga barko at sasakyang pandagat na magsagawa ng mga kinakailangang hakbang para sa kaligtasan at mag-ingat sa pagbabantay ng kilos ng bagyo, lalo na kung apektado ng nasabing sama ng panahon.
Patuloy ang aksyon ng PCG Bicol (Philippine Coast Guard Bicol) sa pagbabantay at pagtulong upang masiguro ang kaligtasan ng mga apektadong lugar dahil sa banta ng bagyo. | Ulat ni Emmanuel Bongcodin | RP1 Albay