Camarines Norte – Simula alas-6 ng umaga ngayong Nobyembre 18, 2024, inihayag ng Philippine Coast Guard na muling pinahihintulutan ang paglalayag ng lahat ng sasakyang pandagat sa loob ng nasasakupan ng Camarines Norte.
Bagamat nilift na ang abiso, pinaaalalahanan pa rin ang lahat ng kapitan at tripulante na maging maingat sa kanilang paglalayag. Pinapayuhan ang mga ito na patuloy na bantayan ang galaw ng bagyo at tiyaking handa sa anumang pagbabago ng lagay ng panahon na maaaring magdulot ng panganib.
Ang paalalang ito ay bahagi ng patuloy na pagtutok ng Maritime Sector at iba pang ahensya upang mapanatili ang kaligtasan ng lahat sa karagatan. | ulat ni Emmanuel Bongcodin | RP1 Albay