Balik na sa normal na operasyon ang power transmission operations sa Luzon matapos maapektuhan ng Bagyong Marce.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines, ganap na napagana ang Luzon Grid ng maayos kagabi ang Lal-lo- Sta Ana 69kv Line, ang huling apektadong transmission line.
Pagtitiyak pa ng NGCP ang patuloy na pagbabantay sa sama ng panahon at nakahanda na i-activate ang kanilang over all command center kapag may banta sa transmission facilities.
Sa panig ng National Electrification Administration, hanggang kahapon, may 21 electric cooperatives mula sa 18 lalawigan sa 4 na rehiyon ang naapektuhan din ng Bagyong Marce.
Gayunman, 293 mula sa 306 Munisipalidad o 95.75% ang balik na sa normal operations.
Maliban sa BATANELCO at CAGELCO II —nakakaranas pa ng partial power interruptions sa Batanes at Cagayan. | ulat ni Rey Ferrer