Mga tricycle driver, tindero sa paligid ng Loyola Memorial Park sa Marikina, nanawagan sa LGU na payagan silang makapamasada, makapagtinda ngayong Undas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaapila ang mga tricycle driver at maliliit na negosyante sa Marikina City LGU na payagan silang makapamasada at makapagtinda sa paligid Loyola Memorial Park ngayong Undas.

Ito’y dahil sa nilimitahan umano ng LGU ang bilang ng mga maaaring makapamasada sa paligid ng naturang sementeryo kung saan, hindi kinikilala ang special passes o permit na inilabas naman ng Brangay Tañong na siyang nakasasakop dito.

Ayon sa ilang tricycle driver na mula sa iba’t ibang ruta, 30 taon na silang naghahatid ng pasahero sa Loyola Memorial Park subalit ngayon lamang sila hinarang at pinagbawalang mamasada.

Bukod sa mga tricycle, bawal na rin ang pagtitinda sa paligid ng nasabing sementeryo.

Panawagan naman ni Barangay Tañong Chairman Danny del Castillo, huwag naman aniyang haluan ng politika ang paggunita ng Undas.

Samantala, kasalukuyang nagpapatupad ng one way traffic sa kahabaan ng A. Bonifacio Avenue papasok ng Loyola Memorial Park na nagsimula kahapon.

Layon nito na maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa paligid ng sementeryo.

Para masunod ito, may mga signage na pinakalat at mayroon ding orange cone sa kalsada, at mayroon ding mga traffic enforcer na nagmamando ng trapiko.

Magtatagal ang one way traffic hanggang hatingabi ng November 2.

Samantala, may ilan nang nagpalipas ng gabi sa Loyola Memorial Park.

Batay sa datos ng command post, 21,600 ang mga bumisita na dito sa sementeryo mula kahapon hanggang kaninang madaling araw. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us