Kinondena ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang patuloy na pagiging “expansionist” ng China matapos kuwestyunin ang dalawang bagong batas ng bansa para pagtibayin ang maritime zones ng Pilipinas.
Ayon kay Barbers gusto ng China na respetuhin natin ang kanilang pag angkin sa West Philippine Sea nang walang historical o legal basis at ngayon ay gusto ring pakialaman maging ang sarili nating polisiya.
“While China wanted the international community to respect their self- drawn out nine-dash-line and eleven-dash line, they do not respect us and continue to intrude in our declared 200-mile economic zone and ignores the decision of United Nations Convention on the Law of the Seas (Unclos) on the issue,” ani Barbers.
Tinukoy nito ang pagpapatawag ng China sa ating Philippine ambassador para pagpaliwanagin ukol sa Archipelagic Sea Lanes at Philippine Maritime Zones Act na nilagdaan ng Pangulong Ferdinand R. Marcos kamakailan.
“Gusto ng China ng respeto sa claim nila sa WPS pero di nila tayo nirerespeto sa ating claim at position sa isyung ito, kasama na ang disrespect nila sa desisyon ng UNCLOS sa ating mga karapatan sa loob ng ating 200-mile economic zones,” sabi pa niya.
Una nang sinabi ni PBBM na mananatili ang posisyon ng Pilipinas sa ating soberanya sa West Philippine Sea sa kabila ng pagtutol ng China sa dalawang bagong batas. | ulat ni Kathleen Forbes